Target ng Marcos administration na makapag-secure ng kabuuang P9.2 billion na confidential at intelligence funds para sa susunod na taon.
Ang bulto ng pondo ay ipinanukalang ilaan sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, mula sa pambansang pondo para sa 2024, nasa kabuuang P4.3 billion ang inilaan para sa confidential funds ng lahat ahensiya ng gobyerno habang nasa P4.9 billion naman para sa intelligence funds.
Halos pareho lang naman aniya ito sa pondong inilaan para ngayong taon.
Tiniyak naman ng kalihim na mayroong guidelines na nakalatag mula sa Commission on Audit (COA0 para sa paggamit ng naturang confidential at intelligence funds.
Una rito sa ceremonial turnover ng 2024 National Expenditures program sa House of Representatives kahapon, sinabi ni Pangandaman na mayroong P120 million na pagtaas sa confidential at inteeligence funds para sa 2024.
Kung saan inilaan ang karagdagang pondo para sa Department of Information and Communications Techonology (DICT), Anti-Money Laundering Council at Presidential Security Group.
Kabilang sa paglalaanan ng pondo sa DICT ay para sa cyber programs na kailangan kasabay ng pag-shift ng bansa tungo sa digitalisasyon.
Gagamitin naman ng PSG ang karagdagang pondo para sa intelligence activities kapag bumabiyahe sa ibang bansa si PBBM.