CENTRAL MINDANAO-Higit sa P9.75-M kabuoang halaga ang natanggap ng mga benepisyaryo sa isinagawang cash-for-work payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) XII sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Parehong nakatanggap ng tig-P3,360 bawat isa ang 725 benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Alamada at Libungan habang parehong 726 indibidwal naman mula sa Pikit at Makilala ang nabigyan ng nabanggit na halaga bilang kapalit ng sampung araw na pagbibigay serbisyo sa komunidad.
Ito ay bilang bahagi ng adhikain ng national government para sa climate change adaptation and mitigation, ang Cash for Work ay programa ng DSWD para matulungan ang mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng temporaryong trabaho sa mga ito.