-- Advertisements --

Nailabas na ang P90.2 billion special risk allowance para sa mga medical workers ng Department of Health sa buong bansa.

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Kim Robert de Leon na inaasahan na tuluyan ng maipapamahagi ang nasabing budget hanggang Hunyo 30, 2021.

Mayroong tig-P5,000 na monthly allowance para sa mahigit 300,000 health workers sa private at public hospitals na nangangalaga ng COVID-19 patients.

Ang nasabing monthly allowance ay kinabibilangan ng mula Disyembre 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.

Tiniyak din nito na makakayanan ng DOH na maipamahagi ang nasabing halaga hanggang sa katapusan ng Hunyo.