-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Ninakaw ng mga hindi kilalang suspek ang nagkakahalaga na P90,000 bougainvillea plants sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City.

Nadiskubre na lang ng pamilya Lipang na ninakaw ang kanilang mamahaling tanim na bulaklak.

Umaabot sa 14 na mga bougainvillea plants nito ang ninakaw ng mga hindi pa kilalang kawatan.

Ilan sa mga ninakaw na bougainvillea plants ay nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P20,000.

Hiling naman ng pamilya Lipang sa mga residente ng Kidapawan City at North Cotabato na kung sakaling may magbebenta ng nakaw na bougainvillea plants ay ipagbigay agad sa pulisya.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa mga ninakaw na bulaklak.