-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ipinapasubasta ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang ilang ari-arian ng Panay Electric Company na siyang sole power distributor sa lungsod ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na hindi pa nababarayan ng Panay Electric Company ang Real Property Tax na higit sa P90 million.
Ayon kay Treñas, simula pa noong termino ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog , walang business permit ang Panay Electric Company ngunit hindi rin ito maipasara dahil mawawalan ng supply ng kuryente ang buong lungsod.
Inihayag ni Treñas na ang mga ipapasubastang ari-arian sa Disyembre 12 ay maituturing na public property dahil binabayaran naman ito ng mga konsumidor.