Pinangunahan ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang destruction ng mga controlled precursors, essential chemicals (CPECs) at laboratory equipment na isinagawa nitong araw sa Green Planet Management Incorporated sa Barangay Punturin, Valenzuela City.
Ang mga winasak na chemicals ng PDEA ay nakumpiska noon pang taong 2018 at tinatayang nasa higit P904 million halaga ng mga chemicals, precursors na nasabat ng PDEA sa loob ng dalawang taon.
Ang breakdown ng mga sinirang CPECs at ang kanilang estimated value:
Liquid Chemicals – ₱108,328,553.98
Solid Chemicals – ₱784,253,884.48
Laboratory Equipment – ₱11,720,895.00
GRAND TOTAL ₱904,303,333.46
Pinuri naman ng ni PDEA chief ang efforts ng iba’t ibang branches ng Regional Trial Courts dahil sa expeditious prosecution at disposition ng mga drug cases at ang agarang destruction ng mga chemicals at laboratory equipment na hindi na kailangan bilang ebidensiya sa korte.
“PDEA continues to destroy dangerous drugs, CPECs and laboratory equipment right before the public not only in compliance with the law, but also in the spirit of transparency and accountability,” pahayag ni Villanueva.
Sa kabilang dako ayon kay Villanueva, hinihintay pa nila ang order mula sa korte para sa destruction sa natitira pang 13 tonelada ng mga chemicals, precursors at laboratory equipment na nakaimbak pa sa kanilang storage facility.
Inihayag naman ni Villanueva na sa ngayon halos lahat ng mga nakumpiskang illegal drugs ay nawasak na ng ahensiya.
Aminado din ang opisyal na perwisyo pa rin sa kanilang anti-illegal drugs campaign ang mga drug syndicate na patuloy sa kanilang iligal na operasyon.
Aniya, mahigpit na binabantayan ng PDEA at PNP ang notorious international drug syndicate na Golden Triangle na nag-o-operate ang mga galamay sa South East Asia.
Kaya naman mahigpit din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang foreign counterpart para matuldukan na ang pamamayagpag ng sindikato.
Samantala, target din ng PDEA na bago magtapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte ay magiging drug free o ‘di kaya drug resistant na ang bansa.