-- Advertisements --

Itinuturing ng Malacañang na iligal ang mahigit P75 billion na “insertions” na umano’y inihabol ng mga kongresista sa 2019 national budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang dahilan kaya ipinawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pag-veto sa mga nasabing alokasyong hindi bahagi ng pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon pa kay Sec. Panelo, posibleng kasama na rin sa mahigit P95 billion na ni-line veto ni Pangulong Duterte ang “insertions” din ng ilang senador.

Samantala, maglalabas din daw ng paliwanag ang Malacañang kaugnay sa pagsasailalim ni Pangulong Duterte sa conditional implementation sa ilang bahagi ng budget gaya ng para sa sa allowance at mga benepisyo ng mga guro, dagdag na posisyon ng mga guro, gayundin ang konstruksyon ng evacuation centers.

“Those are the so called insertions, riders, they are not part of the program by the DPWH hence it violates the constitution,” ani Sec. Panelo.