BUTUAN CITY – Umabot sa halos 95-million pesos na halaga ng presidential assistance ang personal na ibinigay ni Pangulong Ferdinand Macos Jr. sa probinsyal na pamahalaan ng Agusan del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands provinces pati na sa city government ng Butuan.
Ito’y kaugnay sa distribusyon ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and their Families kon PAFF na isinagawa dito sa lungsod ng Butuan kahapon dahil sa naranasang El Niño phenomenon.
Sa Agusan del Norte, umabot sa mahigit 28-milyong piso ang tinanggap ni Governor Angel Amante habang 10.5-million pesos naman sa Surigao del Sur; 10-milyong piso sa Dinagat Islands province at 46.8-milyong piso naman sa Butuan City.
Umaasa ang pangulo na sa pamamagitan ng naturang ayuda ay matulungan ang mga local government units na maibangon ang nawala nilang kita at matapalan ang mga damages na hatid ng El Niño phenomenon.