Iniulat ng Department of Social Welfare and Development-7 na naipamahagi na ang kabuuang P98.2 million pesos na halaga ng cash gift sa 982 centenarians sa Central Visayas.
Ito’y batay sa kanilang data mula noong 2016 hanggang sa Setyembre ng kasalukuyang taon.
Sa nasabing bilang, 77% o katumbas ng 756 ang mga kababaihan habang 23% naman o 226 ang mga kalalakihan.
Nagmula pa ang 273 sa mga ito sa Bohol; 462 sa Cebu; 212 sa Negros Oriental; at 35 sa Siquijor.
Sa ikatlong quarter ng 2024, 77 centenarians ang napagsilbihan ng ahensya na may mga benepisyo sa ilalim ng batas.
Hinikayat naman ang mga may miyembro ng pamilya na malapit nang mag-100 taong gulang na makipag-ugnayan lokal na tanggapan o opisina upang makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga requirements, mga ipo-proseso, at mga pribilehiyo.
Kasalukuyan pang ipinapatupad ng kagawaran ang Republic Act 10868 o ang Centenarian Act of 2016 ngunit ililipat ito sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa 2025, kasabay ng pagpapatupad ng Expanded Centenarians Act, na nagbibigay ng cash gift sa mga senior citizen na may edad 80, 85 , 90, at 95 taong gulang.