Inulunsad ngayong araw ang ‘Salaknib at Balikatan’ Exercises (SABAK) 2025 na may layuning mapalakas ang kakayahan sa land defense ng Philippine Army (PA) at United States Army Pacific (USARPAC).
Nanguna sa ginawang exercises si PA vice commander Maj. Gen. Leodevic Guinid upang buksan ang gagawing drills sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Aabot sa kabuuang 5,000 na mga kasundaluhan ang mga makikiisa kung saan 3,000 dito ay nagmula sa PA at 2,000 naman mula sa USARPAC.
Kasama sa gagawing mga aktibidad ang subject matter expert exchange at warfighting exercises.
Ayon kay PA spokesperson Col. Louie Dema-ala ang unang phase ng “Salaknib” ay magsisimula mula Marso 24 hanggang Abril 11, habang ang ikalawang bahagi nito ay gaganapin sa Mayo 15 hanggang Hulyo 20 na gaganapin naman sa Fort Bonifacio, Taguig City at mga lugar ng operasyon ng 5th Infantry Division na nakabase sa Isabela at 7th Infantry Division sa Nueva Ecija.
Samantala, nakatakda namang magsimula ang “Balikatan” exercise sa huling bahagi ng Abril hanggang kalagitnaan ng Mayo ngayong taong kasalukuyan.
Layunin ng “SABAK” 2025 na palakasin ang kahandaan sa depensa at magbigay ng mahalagang training sa humanitarian civil assistance, information operations, counter-intelligence, at protection