Idi-digitize na ang lahat ng record ng Philippine Army (PA).
Ito ay matapos ang Philippine Army at technology solutions provider na Master’s Stewards Information Technology (MIST) ay lumagda sa isang deal ng digitization sa ilalim ng Office of the Army Adjutant sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio.
Ang paglagda ay naging pormal ng kasunduan sa pagitan ng PA, na kinakatawan ni Army Adjutant Col. Danilo E. Estrañero.
Idinagdag niya na ang digitalization project ay bahagi ng pagsisikap ng pamunuan ng PA na gamitin ang teknolohiya sa pagbibigay ng may-katuturan at tumutugon na serbisyo sa mga sundalo.
Una na rito, ang Office of the Army Adjutant ay nagsisilbing imbakan ng impormasyon ng lahat ng mga opisyal at kalalakihan ng Army mula sa komisyon o enlistment hanggang sa kanilang pagreretiro.