Naging matagumpay ang isinagawang territorial defense simulation ng Philippine Army sa Northern Luzon bilang bahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Exercise (AJEX) “DAGITPA” (Dagat-Langit-Lupa).
Sa ilalim ng naturang simulation ay nagsagawa ang PA ng live drill na sumentro sa muling pagkubkub sa teritoryo ng Pilipinas sa pangunguna ng mga army batallion at iba pang major units tulad ng Joint Military Operations, Counter Landing Operations, at Special Forces Operations.
Ginanap ang naturang simulation sa La Paz sand dunes sa Ilocos Norte.
Sa ibang simulation, nagsagawa rin ang mga tropa ng Philippine Army at Australian Army ng Jungle Survival at Combat Tracking drill sa Camarines Sur.
Ito ay bahagi ng Exercise Kasangga 29-2 sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa ilalim ng naturang drill, 47 sundalong Pilipino at 50 Australian Army personnel ang sumabak sa survival, tracking, at combat exercises, sa loob ng walong kilometrong kagubatan sa Bicol Region.
Halos magkakasabay ang mga joint exercises na isinasagawa ngayon ng PA kasama ang iba pang AFP units at mga military units ng ibang bansa.