-- Advertisements --

Si Eduardo “Eddie” Garcia” ay ipinanganak noong May 2, 1929 sa Sorsogon.

Nagsimula ang kanyang showbiz career sa pelikulang “Siete Infantes de Lara” noong 1949 , at naging direktor din sa kanyang first ever own movie na “Karugtong ng Kahapon” noong 1961.

Mahigit 300 ang pelikula ni Manoy kabilang ang “Hintayan ng Langit” at naging tampok pa sa 2018 Metro Manila Film Festival sa LGBT-themed film na “Rainbow’s Sunset” kung saan game si Manoy sa pagganap bilang matandang bading.

Nakasama rin nito sa isang teleserye si Coco Martin kung saan siya ay gumanap na drug lord, habang bibida pa sana sa teleserye rin ng GMA network ngunit sinawim-palad na natisod habang nasa taping sa Maynila.

Samantala noong buhay pa ang actor-director ay nabanggit na rin nito na handang handa na siyang mamatay at kung ano ang gagawin sa kanyang labi.

Ito raw ay iki-cremate at merong pilotong magpapalipad ng eroplano upang isaboy ang kanyamg mga abo sa karagatan ng Manila Bay.

Sa ngayon ay buhos na ang pakikiramay mula sa mga ordinaryong fans hanggang sa mga kapwa local celebrities hinggil sa pagpanaw ni Eduardo “Eddie” Garcia.