-- Advertisements --

Naghayag ng pakiki-dalamhati si former Philippine Basketball Association (PBA) player Allan Caidic sa pumanaw na basketball legend Samboy Lim.

Isa si Caidic sa mga nakasama ng “The Skywalker” sa mga nalalabi nitong sandali sa ospital, kung saan siya huling nakaratay.

“SKY high and WALK into the arms of our LORD,” mensahe ni Caidic sa post.

Naghatid din ng pasasalamat ang “The Triggerman” sa ‘partner’ niya sa court.

Matagal na nagkasama sa iisang koponan simula 1993 si Lim at Caidic, kung saan humakot ang dalawa ng ilang makasaysayang PBA records at nagrepresenta ng Pilipinas sa international court.

Kabilang din ang naturang mga manglalaro sa PBA Hall of Fame Class of 2009, at PBA 25 at 40 Greatest Players.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang PBA sa mga pamilya ng pumanaw na basketball legend.

Photo courtesy from Allan Caidic’s official social media page.