-- Advertisements --

Dagsa na ang mga pasaherong paalis at pabalik sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport ayon sa Manila International Airport Authority kasabay ng nalalapit na pagsalubong sa bagong taon.

Mahigit apat na milyon na ang dumaan sa NAIA mula December 1 hanggang December 28.

Mahigit 14 percent na mas mataas ito kumpara sa mga bilang noong 2022.

Inaasahan ng MIAA na hanggang sa mismong araw ng bagong taon January 1 ay magpapatuloy ang dami ng bilang ng mga dumarating na pasahero sa paliparan.