-- Advertisements --

CEBU PROVINCE – Umabot sa P4.8 million ang danyos sa nangyaring sunog sa Tubod National High School, Barangay Tubod, bayan ng Minglanilla, Cebu.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay FO1 Jonald Sabior, ang fire investigator ng Minglanilla Fire Station, sinabi nitong nasa 9 na classrooms ang totally burned kung saan lima nito ang sa high school at apat naman sa elementary.

Ayon kay Sabior na nagsimula ang sunog pasado alas 3 ng madaling araw at naapula pasado alas 6 na ng umaga.

Gayunpaman, wala namang naitalang namatay o sugatan sa insidente.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga bombero ang pinagmulan sa nangyaring sunog.