DAVAO CITY – Hindi na halos mahagilap sa malayuan ang buong istruktura ng Tudaya National High School Extension, isang paaralan sa Sitio Pogpog Sibulan, Sta. Cruz Davao Del Sur, dahil sa malakas na pag-ulan.
Gawa ang pundasyon ng paaralan sa mga mabababang uri ng kahoy at kawayan, maging ng trapal bilang panangga sa matinding panahon kaya naman malala ang pagkakapinsala nito dahil na din sa mga matitinding pag-ulan.
Dagdag pasakit pa ang naging kalagayan ng mga estuduyante na tuluyan nang nabasa at hindi na lang makakapagpatuloy sa klase.
Isang guro din ang naitalang sugatan sa pagguho ng kanilang paaralan nang tinamaan ito ng nabuwal na kawayan.
Nananawagan ang mga residente at mga estudyante sa nasabing lugar na bigyang pansin at tugon ang sa lokal na pamahalaan ng munisipyo ang kasalukuyang sitwasyon.