-- Advertisements --
Napilitang isara muli matapos na buksan ng ilang oras ang paaralan sa South Korea.
Ito ay matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang dalawang mag-aaral.
Bago kasi pumasok ang mga mag-aaral ay sinusuri mabuti ang kanilang mga temperatura.
Umaabot kasi sa mahigit 11,100 ang nadapuan ng coronavirus sa South Korea at mayroong halos 300 na ang namatay.