-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nanakawan ng iba’t-ibang kagamitan ang Tabuk City Central School sa Kalinga habang nanalasa ang bagyong Jenny.

Batay sa report, puwersahang sinira ng mga magnanakaw ang pintuan ng mga silid-aralan kung saan nakuha ang 42-inches na flat screen television, isang projector, kutsilyo, alkansiya, pera at iba pa.

Ayon sa mga guro, nagulat na lamang sila nang natuklasan nilang nasunog at nalagari ang mga kandado ng mga classrooms.

Natuklasan pa ng mga guro na nasira ang adjacent room ng paaralan at nasira pa ang mga drawers at lamesa.

Naniniwala ang mga awtoridad na gumamit ang mga suspek ng tinidor at maliit na susi para mabuksan nila ang drawer kung saan nakalagay ang alkansiya ng mga estudyante.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang mga suspek.