-- Advertisements --

Thailand – Isang paaralan sa Bangkok,Thailand ang pansamantalang isinara matapos isa sa kanilang estudyante ang naging positibo sa COVID-19.

Sa report ni Bombo International correspondent Cleo Rose Jondonero, isang guro sa Thailand sinabi nito na isang lolo at lola ang naging positibo sa Covid-19 matapos nagbakasyon sa Japan at nahawa nila ang walong taong gulang na apo na nag-aaral sa Phra ha rathai Don muang School.

Dahil dito ay nadesisyunan ang paaralan na pansamantalang suspendihin ng dalawang linggo ang pasok sa takot na mahawa ang iba pang mga estudyante.