-- Advertisements --
PBBM 3

Aabot lamang sa P600 hanggang P800 kada buwan sa loob ng unang limang taon ang babayarang amortization ng mga benepisyaryo ng pabahay program ng administrasyong marcos.

Sinabi ni National Housing authorita Assistant general manager roderick ibañez na in house sa kanilang tanggapan ang pagbabayad ng mga benepisyaryo, ibig sabihin may sariling financing scheme ang ahensya para sa bayarin ng upa.

Kada limang taon ay tataas ito ng 200 piso kada buwan.

Para maging benepisyaryo ay dapat ma-indorso sila ng kani-kanilang lokal na pamahalaan na iba-validate naman ng national housing authority.