-- Advertisements --
Nanawagan si Manila Bishop Broderick Pabillo sa mga mamamayan na alagaan ang kalikasan.
Sinabi nito na kaya nakakaranas ng kakaibang init ng panahon at mga matitinding bagyo ay dahil sa hindi pag-aalaga ng mga tao sa kalikasan.
Mas pinalala pa ito aniya ng mga nagaganap na iligal na pagmimina.
Sa kaniyang homily ibinahagi nito na ang Mayo 16 hanggang 24 ay inilaan ni Pope Francis bilang Laudato Si Week o ang ika-anim na taon ng kaniyang encyclical o ang pagpapalabas niya ng unang circular letter noong ito ay maupo.