-- Advertisements --
Hinikayat ni Bishop Broderick Pabillo, administrator ng Manila archdiocese, ang kaniyang mga kapwa lider ng simbahan na na huwag manahimik at manindigan laban sa mga masamang nangyayari sa kapaligiran.
Sa kaniyang homily sa Minor Basilica at Naitonal Shrine ng San Lorenzo Ruiz sa Maynila na mayroog mga tukso ang umaaligid para patahimikin ang mga tao sa mga nangyayaring patayan, red-tagging at ilang mga isyus.
Itinututuring pa nito na ang mga lider ng simbahan bilang mga watchdogs na nawalan na ng lakas ng loob para sumigaw at umayaw sa anumang negatibong nangyayari.
Hindi aniya idahilan ang COVID-19 para maging tahimik na ang simbahan sa mga nangyayaring anomalya sa kapaligiran.