-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng isang thanksgiving mass si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David pag-nakabalik na ito sa bansa.
Ito ang kauna-unahang misa niya matapos na iangat ang puwesto nito sa pagiging Sacred College of Cardinals.
Gaganapin ang misa nito sa San Roque Cathedral sa Caloocan City sa araw ng Sabado Disyembre 14 ng alas-9 ng umaga.
Darating kasi ito sa bansa mula sa Vatican sa araw ng Biyernes.
Ang 65-anyos na si David ay siyang pang-10 cardinal sa bansa kung saan siya ang pangatlo na mayroong karapatang bumuto para sa pagpili ng bagong Santo Papa.
Ang dalawa ay sina Cardinal Luis Antonio Tagle, ang pro-prefect for the Dicastery for Evangelization at si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.