-- Advertisements --

Nasamsam ng pinagsanib na operatiba ng Bureau of Internal Revenue at National Bureau of Investigation ang 3.12 million pakete ng iligal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P358 million sa isinagawang pagsalakay sa pabrika at bodega ng mga iligal na droga sa Dasmarinas city at Indang sa lalawigan ng Cavite.

Ito ay bahagi ng pinaigting na kampaniya kontra sa iligal na sigarilyo para mapunuan ang bilyong piso na nawawala sa kaban ng bayan dahil sa naturang iligal na gawain na nagdudulot ng higit na panganib sa kalusugan ng tao at napakalaki ng negatibong epekto sa ating ekonomiya.

Ilan sa mga brand ng sigarilyo na nakumpiska ay hindi rehistrado sa BIR at walang anumang tax stamps o mandatoryong graphic health warning ng DOH.

Kaugnay nito, nagsasagawa na ang mga awtoridad ng malalimang imbestigasyon dahil nasa 12 Chinese nationals ang nagmamando sa naturang mga operasyon at ang lupa at gusali ng pabrika at bodega ay pinapaupahan lamang.

Ang naturang operasyon ay isa lamang sa maraming operasyon ng BIR at law enforcments para masawata ang mga organized crimes.

Seryoso din ang pamahalaan sa paglaban nito sa ilegal na kalakalan ng tabako at gagawin ang lahat para sundin ang mandato ng Pangulo para habulin ang mga kriminal na nasa likod ng mga iligal na gawain.