-- Advertisements --

Itinaas na sa P2 milyon ang pabuya para sa pagtukoy at pag-aresto sa mga dumukot ng mag-asawang Briton sa Tukuran, Zamboanga del Sur.

Sinabi ni Zamboanga del Sur provincial Information Officer Jeesrel Himang, na nag-ambag-ambag ang mga alkalde ng Pagadian City, gobernador ng Zamboanga del Sur, at mga alkalde ng Tukuran, Dimataling at Dinas.

Nauna ng inilaan ang P1 milyong pabuya para sa pagdakip sa mga suspek na dumukot sa mag-asawang negosyante.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natutukoy ang kapulisan na mga suspeks sa pagdukot sa Briton at misis nito noong Oktubre 4.