Pumalo na sa mahigit 1.2 million pesos ang inaaalok na pabuya ng mga kinauukulan sa sinumang makapagtuturo sa magnanakaw na nakapatay sa Chief of Police ng San Miguel, Bulacan.
Kinilala ang biktima na si Police Lieutenant Colonel Marlon Serna .
Si Serna ay binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin ng magsagawa ito ng police operation sa San Ildefonso , Bulacan noong Sabado ng gabi.
Nag-alok na ng P300,000 na pabuya ang Police Regional Office 3 sa pangunguna ni Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr , habang P500,000 naman mula sa Department of Interior and Local Government at ang P200,000 ay mula naman sa Philippine National Police.
Magbibigay rin ng karagdagang P200,000 na pabuya ang Gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando.
Ang dalawang salarin ay mga magnanakaw umano at nakasakay ito sa isang motorsiklo ng magpaputok ito at tinamaan patay si Serna.
Nadamay rin sa insidente ang 17 year old na binatilyo at nagtamo ito ng sugat sa kanyang katawan.