-- Advertisements --

Pumalo na sa P2.2 milyon ang inilaan na pabuya sa makakaaresto sa suspek na sangkot sa pagpatay sa dalawang kapulisan ng Bulacan.

Ayon kay Bulcan Governor Daniel Fernando, na ang dagdag na P2 milyon na pabuya ay inaprubahan ng provincial peace and order council.

Nagpasa rin ang kanilang Sangguniang Panlalawigan para bigyang ng parangal ang dalawang nasawing pulis na sina S/Sgts. Dennis Cudiamat at S/Sgt. Gian George dela Cruz ng Bocaue Police Station.

Una ng nagbigay ang Central Luzon Police ng P100,000 na pabuya habang si Bocaue Mayor Jonjon Villanueva ay nag-alok din ng P100,000 na pabuya.

Magugunitang napatay ng suspek na kinilalang si alyas ‘Athan’ ang dalawang pulis sa isinagawang anti-illegal firearms operation na isinagawa ng pulis sa Barangay Tambubong, Bocaue nitong Marso 8.

Naaresto ang kapatid ng suspek na si alyas ‘Dado’ habang ang suspek na si alyas ‘Athan’ ay tumakas.