-- Advertisements --
juan jumalon

Itinaas na sa kabuuang Php3.7-million ang halaga ang alok na reward money para sa sinumang makakapagturo sa mga salarin sa pamamaslang radio broadcaster na si Juan Jumalon sa Misamis Occidental.

Ayon sa Mindanao Independent Press Council, mula sa naturang halaga nasa Php500,000 ang nagmula sa tanggapan ng Government Henry Oaminal Sr., habang Php3-million naman ang inialok sa sinumang law enforcement official na makakaaresto sa naturang mga suspek.

Bukod dito ay nagbigay din ang Presidential Anti-Organized Crime Commission, at ang Presidential Task Force on Media Security ng tig-Php100,000 na halaga ng pabuya.

Kung maaalala, una nang naghain ng patong-patong na kaso ng murder at theft ang Philippine National Police sa Provincial Prosecutor’s Office ng Misamis Occidental laban sa isang suspek at dalawang john does sa nasabing krimen.

Magugunita na si Jumalon ay binaril-patay mismo sa loob ng kaniyang studio na nasa loob ng kaniyang tahanan habang naka-onboard at naka-livestream sa kaniyang radio program sa Calamba, Misamis Occidental.