-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hinamon ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez na bigyan ng solusyon ng Bicol Regional Development Council (RDC) ang malawakang brownout sa rehiyon tuwing may kalamidad tulad ng matagal na pagrestore ng kuryente.

Halos dalawang linggo matapos ang pananalasa ng Bagyong Tisoy, nananatiling walang suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Bicol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jimenez, ipinaabot na nito ang concern kay RDC chairman at Legazpi City Mayor Noel Rosal matapos ang isinagawang meeting, lalo na at apektado na ang kapakanan ng publiko.

Iginiit ni Jimenez na tipikal na dinadaanan ng kalamidad ang rehiyon kaya kailangan ng long-term solution.

Positibo naman ang reaksyon ni Mayor Rosal at bukas umano ito sa pagsasagawa ng pag-aaral sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan upang maggamit ang mga power resources sa rehiyon na magsuplay sa mga Bicolano.

Nilinaw naman ni Jimenez na adbokasiya na ang paglaban sa pagsasapribado ng pamamahala sa natural resources lalo na sa paggamit ng tubig at kuryente bako pa maging PACC chairman.