-- Advertisements --
Manny Pinol
Manny Pinol / DA FB post

Tuluyan ng itinigil ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang imbestigasyon sa reklamo ng korupsyon laban kay Agriculture Sec. Manny Piñol.

Batay sa resolusyong inilabas ng PACC noong June 10 nakasaad na walang matibay na ebidensyang makapagdidiin sa kalihim na mayroong tagong yaman.

Kung maaalala, sinilip ng ahensya ang lifestyle ni Piñol matapos umugon ang balitang kumukubra umano ito ng pera mula sa rice importation deals bilang pinuno ng National Food Authority (NFA).

Kaugnay nito pinuri ni PACC chair Dante Jimenez si Piñol dahil sa pagbo-boluntaryo rin nitong magpasailalim sa lifestyle check.

Sa ngayon nakahanda na raw ang ahensya na isumite sa palasyo ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa Agriculture secretary.

“The PACC hopes that this will be the new culture in government service where instead of clamping up and issuing denials in the face of insinuations of corruption, public officials should open up to thorough scrutiny.”