-- Advertisements --
PACC COMM GRECO BELGICA
PACC GRECO BELGICA/ FB post

Irerekomenda ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng kaso laban sa 36 na mga opisyal ng PhilHealth na sangkot umano sa malawakang korapsyon.

Sinabi PACC Commissioner Grego Belgica, naisumite na nila ang rekomendasyon sa Office of the President.

Umaasa ito na agad na bibigyan ng pansin ng Pangulo ang nasabing rekomendasyon.

Magugunitang ibinunyag ng nagbitiw na opisyal ng ahensiya ang malawakang nagaganap na korapsyon sa PhilHealth sa ginanap na hearing sa Senado.