-- Advertisements --
Manuelito Luna
PACC Manuelito Luna/ FB image

LEGAZPI CITY – Layunin aniya ng isinasagawang imbestigasyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagbabalik na tiwala ng publiko.

Sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, parallel umano ang isinasagawa nilang imbestigasyon sa Blue Ribbon committee ng Senado.

Dagdag pa ni Lune na nais din sa naturang checking ang pagbabalik sa good financial health ng ahensya.

Nabatid na nakatakda sanang humarap si Luna kasama sina PACC Chairman Dante Jimenez at PACC Commissioner Greco Belgica sa ipinatawag na pagdinig sa komitiba sa Senado nitong Martes subalit hindi natuloy.

Sa ngayon ay wala pang ibinibigay na petsa kung kailan ito ipagpapatuloy.

Samantala, siniguro naman ng opisyal ang patuloy na pag-alam kung sino ang mga nasa likod ng korapsyon at ang modus ng mga ito upang mapanagot sa batas.