-- Advertisements --
Magsasagawa ng en banc meeting ngayong araw ang Presidential Anti-corruption Commission (PACC) para talakayin ang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ukol sa korapsyon na nagaganap sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, na habang dumadaan ang araw ay lalong lumalaki aniya ang isyu sa ahensiya.
Sa hawak nilang mga report ay kasama ang mga opisyal na sangkot sa kurapsyon.
Kanilang isusumite ito sa Department of Justice (DOJ) kapag napalawig pa ang binuong anti-corruption task force.
Nauna ng inatasan ni Pangulong Duterte ang DOJ na imbestigahan ang nagaganap na kurapsyon sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.