-- Advertisements --

Naghahanda na ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa isasampa nitong kaso laban sa ilang opisyal ng gobyerno dahil sa di-umano’y pagkaka-sangkot ng mga ito sa korapsyon.

Ayon kay PACC chairperson Greco Belgica, hinihintay na lang nito na muling ituloy ang operasyon sa Office of the Ombudsman na pansamanatalang nagsara dahil ilang kawani nito ang nagpositibo mula sa coronavirus disease.

Ang hakabnag na ito aniya ay resulta nang mas pinaigting pang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korapsyon na kanila namang ipinatutupad.

Posible raw na sa susunod na linggo ay maisampa na ang kaso laban sa mga umano’y corrupt na opiyal ng pamahalaan. Hindi naman isiniwalat ng opisyal ang pagkakakilanlan ng mga nasbaing high-ranking officials.

Ilan umano sa mga ito ay namumuhay ng marangya at hindi tugma sa kanilang buwanang kita.

Sinabi pa ni Belgica na malaki ang nawawalang pera sa gobyerno dahil sa korapsyon na dapat sana ay ginagamit na lang para sa COVID-19 pandemic response ng bansa.

“Mayroon ditong kaso na isasampa namin, hopefully next week kapag open po ng Ombudsman ay involves hundreds of millions of pesos. It’s a billion dollar industry actually na because of corruption, you know taxes are lost sa ating pamahalaan na puwede sanang ibigay for Covid response, ayuda ,” pagbabahagi ni Belgica.

Bumuo naman ang opisina ni Belgica ng Task Force Lifestyle Check para suriin ang pamumuhay ng bawat government officials na inaakusahan ng iregularidad sa kanilang serbisyo.

May ilan aniyang undersecretaries ang sumasailalim ngayon sa lifestyle check pero hindi na ito pinangalanan pa ni Belgica.

Dagdag pa nito na magfo-focus ang PACC sa mga presidential appointees na may hindi maipaliwanag na yaman.

“In the last phase of the campaign against corruption of the President, we will be concentrating on high value target. Ibig sabihin ito iyong matataas na presidential appointees na hanggang ngayon ayaw pa rin tumigil sa corruption,” dagdag ni Belgica.