LEGAZPI CITY – Pinasimulan na rin ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang parallel inquiry at fact-finding sa isyu ng application ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law para sa mga convicted prisoners.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PACC Commissioner Manuelito Luna, tiniyak nitong hindi nililimita sa mga opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) ang hakbang kundi sakop rin ang mga provincial, municipal at city jail wardens, Department of Interior and Local Government (DILG) maging ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) officials.
Ayon kay Luna, pangungunahan rin ang paghanap at pag-alam sa katotohanan kung nagkaroon ng misapplication at katiwalian sa GCTA law.
Sakop rin ng imbestigasyon ang mga convicts na napaluwas mula noong taong 2014 hanggang 2019.
Samantala, giit ni Luna na magiging metikuloso sa pag-alam ng mga detalye lalo na sa pagiging patas sa mga ebidensya at proseso na karapatan rin ng mga nasasangkot na pangalan.