LEGAZPI CITY – Nagtungo na ang mga opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) upang kunin ang mga dokumento at Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Isasabay ang mga ito sa isasagawang lifestyle check sa mga kawani ng PCSO.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PACC Commissioner Greco Belgica, nagkaroon na ng coordination meeting kasama si PCSO General Manager Royina Garma subalit nilinaw ng PACC official na hindi kasama sa lifestyle ang police colonel na kakaupo pa lamang noong nakalipas na buwan.
Kumpiyansa si Belgica na matatapos ang pag-iimbestiga sa 14 hanggang 15 opisyal sa loob ng tatlong buwan.
Dagdag pa ni Belgica na isasabay sa imbestigasyon ang lahat ng nakaupo sa posisyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.