-- Advertisements --

Nag-convert ng three-point play si Tyrese Haliburton sa natitirang 1.6 segundo sa overtime, kung saan itinaas ang Indiana Pacers sa 121-118 para makuha ang panalo laban sa Milwaukee Bucks sa Game 3 ng kanilang Eastern Conference first-round series sa Indianapolis.

Nakakuha ng pagkakataon si Haliburton matapos gumamit ng swabeng crossover kay Patrick Beverley bago nagpasok mula sa foul line.

Nagdagdag siya ng free throw para kumpletuhin ang kaniyang 18-point, 16-assist, 10-rebound na performance at mapagtagumpayan ang malaking 42-point effort ni Khris Middleton ng Milwaukee.

Kumolekta naman si Myles Turner ng 29 puntos at siyam na rebounds at nagdagdag si Pascal Siakam ng 17 puntos at siyam na rebounds para tulungan ang sixth-seeded Pacers na agawin ang 2-1 lead sa kanilang best-of-seven series.

Ang Game 4 ay magaganap sa darating na araw ng Linggo sa Indianapolis.