-- Advertisements --

Hawak na ng Indiana Pacers ang 2-0 lead laban sa 2021 NBA champion na Milwaukee Bucks matapos muling makuha ang panalo sa Game 2 ngayong araw(April 23).

Dominante ang naging performance ng Pacers sa kabuuan ng Game 2 at hindi hinayaan ang Bucks na makuha ang lead sa pagtatapos ng bawat quarter hanggang sa tuluyang tapusin ang laban sa score na 123 – 115.

Muling pinangunahan nina Tyerese Haliburton at Pascal Siakam ang Pacers at kapwa gumawa ng double-double performance: 21 pts at 12 assists mula kay Hali, habang 24 points, at 11 rebounds naman kay Siakam.

Maliban sa dalawa, apat na players din ng Pacers ang gumawa ng double-digit scores.

Hindi naman naging sapat ang bigtime double-double performance ng 2-time NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo na kumamada ng 34 points at 18 rebounds. Kasama ni Giannis na gumawa ng impresibong performance ang Bucks bench na si Bobby Portis Jr – 28 points, 12 rebounds.

Nalimitahan lamang ang shooter at dating All-Star na si Damian Lillard sa 14 points at pitong assists.

Dahil sa panalo sa Game 2, dalawang panalo na lamang ang kakailanganin ng mga bagitong Pacers upang umusad sa semi-finals round ng eastern conference.

Gaganapin ang Game 3 at Game 4 sa Fiserv Forum, ang nagsisilbing homecourt ng Milwaukee Bucks.

Kung aabot ng Game 5, babalik sa homecourt ng Indiana ang laban sa pagitan ng dalawa.