-- Advertisements --
Team NBA FIBA

Mariing dinepensahan ng Indiana Pacers star Myles Turner ang kampanya ng Team USA sa FIBA Basketball World Cup na nakaranas na ng dalawang sunod na pagkatalo.

Sinasabing ito na ang “worst finish” ng defending champion sa isang major international tournament at magkakasya na lamang sa pangpito o pangwalong puwesto matapos ang magkasunod na pagkatalo sa France at Serbia.

Idinaan ng USA center na si Turner ang pahayag sa social media ilang oras makaraang pahiyain sila ng Team France kagabi, 94-89.

Ang kanyang pahayag ay bilang sagot din sa inaaning batikos ng koponan bunsod nang nakakadismayang performance.

Giit ni Turner walang makapagkuwestiyon sa kanilang puso, sakripisyo at pagsisikap sa torneyo.

“From 1-12, top to bottom, this team, this roster has sacrificed so much for our nation. Our summers, our bodies, our minds. We came up short and nobody can be more upset than us, but I refuse to tolerate any slander for our play. You cannot question our heart,” wika pa ni Turner. “Our character, our spirit, we laid it all out on the line each and every game. Don’t disrespect, us this coaching staff or USA Basketball as a whole, but respect that world basketball is an international game, these countries are talented.”

May pahiwatig din itong patusada sa iba pang mga NBA superstars na umatras sa imbitasyon na maging bahagi nila habang binubuo pa lamang ang national team.

“We’re also the ones who stepped up to the plate when others stepped down. We qualified our nation for the Olympics, we got some work to do to rebuild a legacy that was left before us, we were on the wrong side of history indeed.”

Kung maalala sa orihinal na 19 na pool of players isa-isang nag-atrasan ang mga napiling players dahil sa mga kadahilanan tulad na lamang ng injuries, paghahanda sa nalalapit na bagong season ng NBA at iba pang isyu.