Tinanggihan ng mga leader ng mga bansang bahagi ng pacific bloc ang apelang putulin na ang pakikipag-alyansa sa Taiwan.
Sa annual summit na dinaluhan ng mga naturang bansa na ginanap sa Tonga, muling pinagtibay ng mga ito ang kanilang suporta sa Taiwan, sa kabila ng panawagan na putulin na ang kanilang pakikipag-alyansa rito.
Una rito ay umapela ang Solomon Islands, isa sa mga estado na bahagi ng Pacific bloc, na alisin na ang partner status ng Taiwan sa Pacific Islands Forum.
Ikinagalit naman ito ng mga Pacific teritory na mayroong kasalukuyang diplomatic relations sa Taiwan tulad ng Marshall Islands, Palau, at Tuvalu.
Dahil dito ay tuluyang pinagtibay ng mga naturang estado ang kanilang suporta sa Taiwan at sa soberanya nito bilang isang estado.