Inanunsiyo ngayon ni US President Donald Trump ang kanyang pagpili kay Admiral Harry Harris, Jr, bilang susunod na bagong US ambassador to South Korea.
Ang hakbang ni Trump ay kanyang ginawa ilang linggo bago ang inaasahang makasaysayang June 12 meeting niya kay North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore.
Si Admiral Harris ay ang kasalukuyang top US military officer na siyang namamahala sa military operations sa Asia bilang commander ng US Pacific Command.
Habang namumuno si Harris sa Pacific Command ay kilala ito na hindi nangingiming batikusin ang North Korea at maging ang China dahil sa pagpapalakas ng puwersa sa South China Sea.
Noong nakaraang taon ay bumisita rin si Harris sa Pilipinas at nakipagkita pa kay Pangulong Duterte sa Malacanang.
Samantala ang pag-nominate ni Trump kay Harris ay dadaan pa sa US Senate para pagtibayin.