-- Advertisements --
PACIO JOSHUA 1

Napanatili ni Joshua Pacio ang kaniyang strawweight title matapos talunin si Alex Silva ng Brazil.

Ginamit ng Filipino Mixed Martial Arts fighter ang kaniyang ground game para talunin ang dating champion at top-class Brazilian Jiujitsu fighter sa kanilang paghaharap sa ONE: Fire and Fury na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Sinubukan pang bumawi ni Silva subalit ito ay nahigitan ni Pacio.

Sinabi nito na naging sulit ang ginawa nito ng ensayo sa loob ng dalawang buwan.

Dagdag pa nito naghihintay lamang si Silva na ito ay magkamali subalit kaniya na itong napag-aralang mabuti.

Dahil sa panalo ay nadagdag si Silva sa ilang dating kampeo na tinalo ni Pacio na ang una ay sina Yosuke Saruta, Yoshitaka Naito at Dejadamrong Sor Amnuaysirichoke.

Sa ibang game, masaklap naman ang pagkatalo ng martial arts legend at dating kampeon na si Eduard Folayang sa kamay ni Pieter Buist ng Netherlands via split decision.

Tulad nang inaasahan naging exciting ang bakbakan ng dalawa sa lightweight thriller.

Ito na ang ikatlong sunod na kabiguan ni Folayang sa ONE Championship.

eduard folayang buist