CEBU – Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) ang isang package na naglalaman ng dried marijuana sa pamamagitan ng “controlled delivery”.
Una nito, isang package mula sa Spain ang pinadala sa Pilipinas kung saan naka-address ang tatanggap nito sa Brgy. Banilad sa lungsod ng Cebu. Dumating ang naturang package sa Ninoy Aquino International Airport ngunit napansin ng taga Bureau of Customs na naglalaman ito ng kahina-hinalang items kung kaya’t nakipag-ugnayan ang mga ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa pamamagitan ng “controlled delivery” kinuha ng PDEA agent ang package upang i-deliver ito sa tatanggap ng nito.
Nang tinawagan umano ang recipient na unang napag-alaman na isang foreign national, sinabi umano nito na may ipapadala lang na tao na kukuha sa naturang package.
Nang kinuha na ng kinatawan na pinadala, doon na nangyari ang operasyon at inaresto ang isang Jan Robert Perales ang inutusang kukuha sa item.
Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, tinatayang nasa mahigit isang kilo ng dried marijuana ang laman ng package at aabot sa P1.6 million ang halaga.
Ayon kay PDEA-7 Director Levi Ortiz, isang kaka-ibang variety ng marijuana ang naturang item kung saan ito umano ang karaniwang ginagamit ng mga party drug users.
Patuloy na iniimbestigahan ng otoridad ang naturang pangyayari kabilang na ang posibleng koneksiyon ng recipient at ng naarestong kinatawan nito dahil sa nakalagay na DPWH sticker sa sasakyang ginagamit ng kumuha ng package
Samantalang inaayos na ng taga PDEA-7 ang kasong kakaharapin ng suspek at iba pang responsable sa naturang transaksiyon.