-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Nakabalik na rin sa General Santos City si Senator Manny Pacquiao.
Ito ang unang pagkakataon na bumalik sa kanyang bayan ang Pinoy ring icon pagkatapos ng laban nila ni Keith Thurman sa Las Vegas noong July 22.
Kaugnay nito, magsasagawa sana ng press conference kaninang alas-10:00 ng umaga sa isang mall ang fighting senator pero hindi natuloy at wala namang binanggit na dahilan.
Kung ipapaalala, ito na ang ikalawang taon na walang isinagawang hero’s welcome bilang alay para kay Pacman.
Gayunman, sinalubong naman ito ng mga opisyal ng GenSan.
Una rito pagkatapos ng bakbakan sa ring ng pambansang kamay ay sumabak kaagad ito sa trabaho sa Senado.