-- Advertisements --
Manny Pacquiao Pacman
Manny Pacquiao

BACOLOD CITY – Dumating na sa Los Angeles ang bagong sparring partner ni Pinoy boxing legend Manny Pacquiao bilang paghahanda sa kanyang laban kay Keith Thurman sa July 21.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa miyembro ng Team Pacquiao na si Rodel Mayol direkta sa Los Angeles, 90% nang handa ang fighting senator para sa nasabing laban.

Ayon kay Mayol, kailangan na ni Pacquiao ng bagong sparring partner dahil bugbog-sarado na ang Mexican-American na si AB Lopez.

Batay sa impormasyon, nagmula sa Peru ang panibagong sparring partner ni Pacquiao na si Arnold Gonzalez.

Bawat hapon, si Pacquiao ay sumasailalim sa 10 rounds sparring session.

Ayon kay Mayol na trainer din sa Wild Card Gym sa Los Angeles, tumatakbo si Gonzalez habang nagpapatuloy ang sparring dahil paghahanda ito ni Pacquiao sa magiging stratehiya ni Thurman sa loob ng ring.

Umaasa kasi ang Team Pacquiao na tatakbo ang American boxer kung masasaktan sa mga suntok ni Pacquiao.