-- Advertisements --
PARIS, France – Maglulunsad ang European Space Agency (ESA) ng kakaibang space mission para kolektahin ang mga basura sa kalawakan.
Partikular na rito ang kumalat na debris ng VESPA.
Ayon kay Luc Piguet, founder at CEO ng Clear Space, sa kasalukuyan ay may 2,000 live satellites at mahigit 3,000 na mga nasira na, ngunit nananatili pa rin sa kalawakan.
Gagamitan umano ang aktibidad ng “Pacman system” o pagkoleta ng kalat sa pamamagitan ng tila paglunok dito ng isang mas malaking spacecraft.
Inaasahang mailulunsad ang proyekto sa darating na 2025.