-- Advertisements --
Umarangkada na ang promotional tour sa laban ni Manny Pacquiao at Keith Thurman.
Nasa New York na si Pacquiao para i-promote ang world welterweight title laban sa mas bata at undefeated boxer na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas.
Mula sa New York ay didiretso ang kampo ng dalawang boksingero sa Los Angeles para sa media tour kaugnay sa July 20 showdown.
Aminado naman ang 40-anyos na fighting senator na dehado ito o underdog sa laban nila ni Thurman subalit hindi nito binibigyan ng atensiyon.
Mayroong record ang 30-anyos na si Thurman na 29 panalo, walang talo at 22 knockouts, habang mayroong 61 panalo, pitong talo, dalawang draw na may 39 knockouts ang Pinoy ring icon.