-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – May basbas kay PacMom ang hindi pagsubaybay sa anak sa laban sa America.

Pacmom nanay dionesia pacquiao

Ayon kay Dionesia Pacquiao, sumaglit sa kanyang bahay ang fighting senator at ibig sana siyang makasama sa Amerika subalit inamin na hindi na kaya ang malayong biyahe kaya’t nagpaiwan na lamang.

Sinabi ni Dionesia na hinawakan nito ang mga kamay ni Manny habang nagdasal na bigyan ng lakas.

Kung noon kitang kita ang lahat ng galaw ng anak sa ring, ngayon naman sinasabayan niya ito sa pagdarasal na gagawin sa kapilya na nasa gilid lamang ng kanyang bahay.

Sinabi din nito na titigil lamang siya sa pagrosaryo kung matapos na ang laban.

Naniniwala naman ang PacMom na mabisa ang ibinigay nitong bendisyon kaya’t maipapanalo na naman ng paboritong anak ang laban kontra sa kampeon na si Yordenis Ugas.

Hangarin din nito na magretiro na sana si Manny.