-- Advertisements --
pacquiao buboy fernandez
Pacquiao and Fernandez in training

GENERAL SANTOS CITY – Nilinaw ni Sen. Manny Pacquiao na kinakailangan pa nilang pag-usapan ni coach Buboy Fernandez ang kanilang magiging setup para sa susunod na mga laban.

Bunsod ito ng bagong tungkulin ngayon ni Fernandez matapos manalong vice mayor sa Polangui, Albay sa ginanap na halalan.

Una nang iginiit ng fighting senator na ang matalik na kaibigan na si Buboy pa rin ang siyang mangunguna sa kaniyang training camp para sa nakatakdang laban kay Keith Thurman sa July 20.

Inaasahang makakasama rin nila ang beteranong si coach Freddie Roach.

Aniya, sa Hulyo pa naman magsisismula ang pagiging bise alkalde ni Buboy kaya’t may sapat na panahon pa sila upang magsanay ng maigi at mapaghadaan ang kaniyang laban.

Sa katunayan, ang dahilan umano kung bahit sa Hulyo nito piniling gawin ang laban dahil may trabaho rin si Pacman sa Senado na kinakailangan niyang tutukan dahil ito ang kaniyang sinumpaan sa taongbayan.

Kaya naman sa Maynila rin aarangkada ang kaniyang training camp dahil magsisimula na rin ang sesyon sa May 20 hanggang sa unang linggo ng Hunyo.

Pagkatapos nito ay hihintayin na lamang nila ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte saka magpapatuloy na sa mahigpit na training.